Tuesday, September 11, 2012

Talinhaga ni WawaY - Hindi Lahat ng Mabait ay TANGA! - I Don't Own Anything!

Tayo ay bahagi ng nabubulok na lipunang kinabibilangan ng mga taong tanga... Mga taong bulag na nakakakita, bingi na nakakadinig, mga maduming nagpapanggap na malinis, subalit walang bait sa sarili!
Liping kayumanggi, hindi ganito ang pagkatao mo! Wag kang maging TANGA... kasi hindi lahat ng mabait ay TANGA.

Kung sa Telenobela, ang bida na mabait ay tanga, hanggang dun na lang yun. Hindi totoo yun, walang taong ganun.. wag kang magpaka-PLASTIK!

Kulang pa ba ang isa, dalawang beses para magtanda ka sa pagkatao nya... Wag ka magbulagbulagan... Nakakakita ka! 

Niloloko na kayo ng tao... Napaka PLASTIK nya, hindi nyo ba nakikita!

Oo, madaming klase ang plastik..... pero iba sya! Buti sana kung para syang plastic balloon na madaling makunsensya... Eh hinde eh! Parang kang OROCAN na sobrang KAPAL!

Sana nga katulad na lang ng tao ang plastic na lulutang sa baha, para at least madaling madistinguish ang totoo sa hindi!

Sila namang mga tanga, hindi alam na binabackstab sila! Alam nyo lahat tayo binigyan ng pagkakataong maging tanga, pero ang masama, dahil libre, inaraw-araw nyo na! Open your eyes! 

Wag nyong gawing hobby ang pagiging tanga... baka tuklawin ka nyan sa huli! Hindi mo alam ang sinasabi nyan behind your back... “hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.” Tao akong umamin, sana noon pinaninwalaan mo!

Plasticman, Kunwari ka pa, Ilabas mo na ang tunay mong IKAW! Maging kuntento kung anu meron ka sa buhay,wag maghangad ng mabilisan baka mapunta sa wala... Aminin mo ang totoo... O ngingisi ka na naman... Yan naman ang skills mo eh... ang ngumisi ng ngumisi na parang humahalinghing!

Conclusion:

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan… Sana kaya ko pa ang pang araw araw kong pag-aaral para kasing bibitaw na ako... Sa tingin ko sya na ang honor at ako ang black sheep sa klase!”
Share/Bookmark

No comments: