Thursday, July 26, 2012

Pitong Bagay Dapat Isaalang Alang sa Pagbblog!

Noon, pangarap kong makapagsulat sa mga magazines o newspaper. Sa School, ang nasasama lang sa editorial ng eskwelahan namin ay yung mga nagmuula sa Section 1... Para masabing isa kang manunulat, dapat nakatapos ka ng kursong Journalism o Broadcasting........ Noon yon.... ngayong panahon na ng Internet natupad din ang pangarap ko. Sa pamamagitan ng Blog o minsan,,, Social networking sites, nakakapagpahayag na ko ng mga gusto kong isulat.... gusto kong sabihin at gusto kong ibalita.

Kahit sino pwede ng maging writer sa sariing paraan pag dating sa internet. Pero may 7 bagay tayong dapat isaalang alang at dapat tandaan pagdating sa pagbblog.



1. Ang weblog ay 2 way conversation, dapat tayong maging handa sa mga comments ng mga reader o visitor         ng ating site. Hindi lahat ng tao sasang-ayon sayo! Wag kang tanga... hindi lang ikaw ang palaging bida.

2. Dapat may sapat kang oras, wag ung puro ka lang laro at kalokohan. Di makikilala ang blog mo kung wala itong laman. Sabi nga ni Anita Campbell ng  Small Business Trends blog, mas mabuti ung konti ang words mo sa kada post mo pero at least 3 times a week kaysa gumagawa ka ng paragraph pero once a month naman.

3. Kunin mo ung pulso ng masa, kung ano ang gusto nilang mabasa. Trending topic baga!

4. Dapat marunong kang magsulat. Buuin mo yung words, hindi parang SMS text. Ano ka Jejemon?!!

5. Practice makes perfect. Di mo kailangang maging pormal, dapat lang para kang nagsasalita at nakikipagusap sa mga reader. Eh ano ngayon kung bago kang blogger, sa facebook nga may paquotation ka pang nakakaiyak eh!


6. Ipost mo na lahat ng gusto mo pero huwag kang babanat about RELIGION. Igalang natin ang paniniwala ng bawat isa. 


7. Alamin mo bakit ka nagbBlog. Ako, binuo ko ang blog na to kasi dito ko gusto ibuhos ang galit ko. Hindi ko inumpisahan to dahil sa eto ang uso. Sabi kasi sakin ng mga matatanda, pag galit ka, sumulat ka ng tula o kanta, mawawala agad yan. Eh hindi naman ako makata kaya eto ang naisip kong way para mailabas ang nararamdaman ko. 


Teka naiinis na naman ako.... Kinakagat ako ng Tangnang lamok!#*&*@!!^



Share/Bookmark

No comments: