Napakaswerte talaga ng mga kabataang nabuhay noong dekada nobenta... Isa ako sa mga swerteng bata noon dahil siguro ang mga kabataan ng 90s ang mga nakaexperience at nakasaksi sa mga kaganapan, sa mga uso at sa mga taong naging pandoras box o nakapagbukas sa kamalayan ng mga tao sa ngayon.
Sino nga ba ang makakalimot kay Michael Jordan! Napakaswerte namin kasi inabot namin at napanood kung gaano kagaling si Jordan... His airness! Kung paano sya gumawa ng himala sa champinoship sa NBA at kung paanong nagiba ang laro sa basketball sa buong mundo. Opo! Sya ang nagpabago ng larong basketball kung kayat ang napapanood nyo ngayon sa NBA o PBA ay ganitong klase na ng laro... Hindi nga bat hanggang ngayon ay hinahanap pa din nila kung sino ang susunod sa yapak ni Jordan? Inisip nila noon na si Grant Hill, Tapos si T-Mac, Tapos si Kobe, Ngayon nga si Lebron.... Pero sa totoo lang.... Nag-iisa lang ang Michael Jordan... at Kaming kabataan ng 90s ang nakasaksi noon.
Kurt Cobain, Rock icon noong dekada 90... Bakit may Nu Metal ngayon? Bakit may mga sub-genre na ang Rock? Dahil yan kay Kurt Cobain... Napakaswerte naming inabot ang musika ni Kurt Cobain dahil tunay namang ang performance ni Kurt sa stage ay walang katulad... Sayang nga lang at namatay sya agad noong 1994 kung saan pinagusapan pa din ang misteryo ng kanyang pagkamatay,
Ang mga games ngayon, bakit nabago ang istilo? Dahil sa Mario Bros... Napakaswerte naming kabataan ng 90s dahil kami ang nakaexperience sa adventure ni mario at luigi... Kung paano malagpasan ang kada world nito at kung ano ang hints para malagpasan ang mga stages... Bakit nga ba hanggang ngayon ay may mga version ng larong ito sa Nintedo DS o Wii? Dahil sa popularidad ng larong ito nung dekada nobenta, hindi na ito mawawala sa arcade world. Yun nga lang swerte talaga kaming nakalaro ng original version nito! How about mga game cheats? dito din sa dekada nobenta unang lumabas ang mga ganitong klase ng cheats at walkthrough... Naaalala nyo ba ang up, down, up, down, left, right, left, right, select, start? Yan ang po ang isang klase ng cheats noong dekada nobenta sa larong Contra.
Sa local... Bakit nga ba may mga teen show na every weekend afternoon? Hindi bat dahil nagclick ang mga show noon ng TGIS, Gimik, Tabing Ilog at Anakarenina?
Sa musikang pinoy, sino ba ang nagbukas ng box ni pandora para sa mga rock bands ng pinas? Sino bang makakalimot sa E-Heads (Eraserheads)... Kita mo nga kahit ngayon pag nagreunion sila... PATOK pa din! Iba ang 90s!
Ngayon ba may mapapanood pa ang mga bata na wede silang matuto, magbilang at magbasa? Isa sa mga palabas sa TV na hindi malilimutan ng mga kabataan nung dekada nobenta ang Batibot at Sineskwela. Ngayon, anime' na lang ang mapapanood ng kabataang pinoy.... patayan at labanang walang katapusan... Ano matututunan ng mga kabataan ngayon? Eh ang mga magulang parehong nagttrabaho na din kaya hindi na nagagabayan...
Sinong makakalimot kay Pong Pagong? Ngayon ang kilala na lang ng bata na mascot ay si Jollibee... Iba talaga ang 90s!
Sa eskwela naman..... Sino ang makakalimot sa pinagdaanan natin sa elementarya kung saan nagdadala tayo ng floorwax at everyday may row na toka para maging cleaner? Nagmamadali ka pag uwian ka na tokang cleaner kasi ayaw mo maiwan sa school. Pag lumalabas ang teacher may tinotokang taga lista ng noisy at standing. Pag nalista ka, tatahimik ka na para mabura sa listahan, pag di ka nabura, magagalit ka sa taga lista at aabangan mo sa uwian.... bwahahaha!! Tapos ung likuran ng notebook mo puro drawing lang tapos takot na takot ka pag araw ng recitation. Hay! yan ang buhay ng mga kabataan noong dekada 90.
Ang kabataan ba ngayon may inaabangan pang komiks? Noong panahon naming mga kabataang 90, Meron kaming Funny komiks na linggo linggo naming inaabanagan... kung anong kalokohan na naman ang gagawin ni niknok... kung panong pahirapan ni bardagol si matsutsu... at ang superhero namin noon ay walang iba kundi si Super Dog! Nyahahaha!!! Swerte ang mga batang 90’s. Naranasan pa nila magbasa at malaman ang mga nilalaman nito. Ngayon ano na lang... Manga at Hentai!
Pati nga sa larong kalye, walang wala ang mga kabataan ngayon sa mga kabataan noong 90.. Kami noon may mga ibat ibang laro ... may kapanahunan ang bawat laro... tulad ng teks, tatching, balat ng sigarilyo at tansan... May panahon ang bawat larong yan, may uso, hndi ka pwedeng maglabas ng mga tau tauhan kapag teks ang nilalaro sa kalye kasi sasabihin nila na wala ka sa uso... Kmaing mga kabataan nung 90s nakakapaglaro pa ng taguan, black 123, talong baka, basketball kalye at marami pang iba... ang mga kabataan ngayon, naglalaro din pero hindi gumagamit ng physical... puro computers na lang.... kaya swerte talaga kaming mga kabataang ng dekada 90.
Hinding hindi ko ipagpapalit ang buhay ng kabataan nung dekada nobenta sa buhay ng kabataan ngayon kahit sabihin mo pang I.T. ako sa ngayon... Pano guys..... SOPEKTIBOL!!!! Kung hindi ka batang 90s, hindi mo alam yan! Bwahahaha!!!
No comments:
Post a Comment