Saturday, August 25, 2012

Waway's 10th Year Anniversary in YP


Today, August 26, exactly 10th year anniversary ko na sa YP. Pero katulad ng nalalaman ng iilan, ako po ang isa sa pinakamabait na member magmula pa noon.... Aking sasariwain sa inyo ang aking buhay YP...

Alipin ako noon ng Multiply at Friendster at doon talaga ako naglalagi, tumatambay at nagbabahagi ng saloobin at aking mga opinyon.



Ngunit isang araw, sa aking pag-iikot sa Cyberspace, may kung anung dumapo sa akin at napadpad ako sa site na kung saan ay magiging bahagi pala ng buhay ko ..... dyandyadyadyan!!!

Pumasok ako ng YP sa iisang kadahilanan lamang: to explore the beauty of pinays. Madami akong napasok na yahoo groups, site and forums with same content pero ika nga ng karamihan, mahahanap mo din ang tunay na yong magiging "Tahanan".

Noong una, katulad ng marami dito saYP, puro kopya at mga walang kuwentang posts lamang ang ipino-post ko. Gumagawa ng mga walang saysay na istorya. Nagpo-post ng mga walang kuwentang pictures. Nagsa-submit sa YP para lang makilala. At siyempre, dakilang taga “thank you” replies sa mga hayop na post nang iba.

Kakaunti pa ang mga kakilala ko noong unang buwan. Wala halos personal na kakilala. Kung hindi man stranger, mga YP girls ang fina-follow ko. At narito ang listahan ng aking mga unang YP crush: *blush*

1. Shugar
2. Allure
3. Boss Badz

4. YSB
5. Kuninay

Isinaisip ko na lang na babawasan ko ang pagre-repost (or totally hindi na mangongopya ng post ng iba) noong mga bandang Oktubre. Itinanim ko sa isip ko ang katagang: “Why repost (copying of post) if you can be the source?”. Kaya simula noon, gumawa na lang ako ng sarili kong mga topic and posts.

Noong una, “recycled” lamang ang mga posts ko. Imported at revised lang from my invision site. Pero nang maglaon at maubos na ang mga posts ko doon, gumawa na ako ng mga bagong akda. Karamihan ay satire, inspirational, philosophical, at everything under the sun.

Pero mas nakilala yata ako dito sa YP bilang isang Cam Capturer (nuks!). Sinimulan ko ang krusada ko noong bago mag all saints day. Sa tulong ni Japokskee, na dati kong kapit-bahay at kalaro sa Darts, ginawan nya ko ng sariling thread sa YP na pinamagatang "Waway Webcam Caps and Collections". Inaangat nya ko sa pagiging member pataas sa "badboys of YP". Hindi naging madali sa akin iyon. Bukod kasi sa masakit sa ulo (dahil mostly di ko kilalang tao ang mga nacacapture ko sa mga chat rooms) nakatanggap pa ako ng pagbabanta mula sa isang tao na tinamaan yata ng post ko. Wasak hindi ba? A few weeks after, madaming nakapansin sa mga posts ko at pagiging active ko. Ginawa naman nila akong moderator (promoted by Badz and Japz). Dun ko din nakilala at nakasama ang mga kasabayan kong napromote na sina Bro Ian Flemming (Benjie) and Bro d'Ash (Rick). Sila ang mga naging kasabayan ko sa pangmadaling araw kasama sila Bro c0ldspell ((Mike), na Admin na that time), and Bro redmatrix ((Art) ng team Trojan). At duon nabuo ang Samahang "Balakubak". Nyahahaha!

Buwan naman ng Marso nang una akong nakapunta sa isang YP meet-up. Actually, mini EB lang dito sa Bluewave kasama sina Bro Baxter  at Rex Luthor. At hindi ko makakalimutan ang sinabi ko noon kay Bro Ian na “tao na ako” dahil nakapunta na ako ng EB . Ang babaw ko lang. Nyahaha!



Buwan ng Hunyo nang nakilala ko in person ang BALAKUBAK (EB in MArket MArket). Sabay sabay sila umuwi that season galing ibang bansa... Dun unang nagkita kita in person ang buong tropa ng BALAKUBAK. Hindi ko lubos maisip na sila ang makakasama ko sa mga tawanan, iyakan, inuman, pagpapausok, kantahan, drama, at mga halakhak sa buhay. Hindi sapat ang isang pahinang post para pasalamatan sila. Mga putang ina niyo! Salamat sa pagtanggap at pagmamahal! Hehehe!


Sampung taon ang nakalipas. Sampung taon ng samahan. Maraming nawala at nang-iwan. Sampung taon ng pagtuklas kasama ang YP. Understatement ang sabihing “nakaka-adik” ang YP. It’s more than addiction. It’s love. It’s friendship. It’s family.




Sa puntong ito, nais ko namang pasalamatan ang mga sumusunod:
  • Ian Flemming - Bro! Binago mo ang buhay ko. Kumapal ang eye bags ko. At tumaas ang dosage ko sa alak dahil sinanay mo ako! Nyahahaha!!
  • dAsh - Bro saan ka na? Miss ka na namin! Kaw ang kabatch ko talaga sa gabi... Naaalala mo pa ba ung mga sharing ng problems natin nun pagdating sa mga chix? Hehehe...
  • c0ldspell - Ikaw ang nagpuno ng kung anumang kulang na hinahanap sa akin noon ng mga Prayle sa Seminaryo. Sana ay tumagal pa ang ating pagsasamahan.
  • Japokskee - isa pang special mention dahil ikaw ang unang kakilala ko sa YP life ko. Haha! Salamat din sa mga pagtuturo mo sa akin sa mga bagay-bagay noong nagsisimula pa lang ako dito. Alam mo na yun.
  • Baxter - Maraming salamat sa pagluluto ng masarap na pulutan sa bawat inuman natin bro. Pati sa mga tawanang walang humpay. Di kita malilimutan bro kasi ikaw lang ang nakasama ko sa motel at nakatabi sa iisang bed na lalaki! Nyahahaha!!!
  • Lex Luthor - Salamat bro sa samahan! Isa sa madalas kong kasama sa EB ng YP.... Isa sa mga makukulit na tropa pero malalim bumitaw ng posts sa YP! Tunay na Badboyz ng YP... Alak pa Bro!!!
  • Redmatrix - Bro muzta na.... Mukhang nagbagong buhay ka na ah... Paramdam ka naman!
  • Kelotz - Salamat sa pagtitiwala mo sakin bro sa pagpapahawak ng YP site pag medyo busy ka... Di man tayo nagkakilala in person bro alam ko magkakasundo tayo kasi same age tayo and same sign (LIBRA) dikit na dikit ang birthday! compatible tayo bro! Destiny kumbaga! Di pa huli ang lahat bro, painom ka na... pupunta ako... Nyahahaha!!! Seriously, Thank you sa'yo bro! 
  • BADZ - salamat sa mabilisang pagpromote at paguide sakin nung bago pa lang akong moderator...
  • Sa mga fans ko dito sa YP - Salamat sa walang sawang pagsubaybay nyo sa mga posts ko dun sa YP. Medyo busy lang sa work kaya wala pang updates! I love you guys!
Kung nakalimutan man kita, isulat mo na lang ang pangalan mo sa linyang ito. Go!

__________________________.


 
Sampung taon ang lumipas. Sampung taon ng paglalakay. Sampung taon ng pagpopost. At alam kong simula lamang ito ng mas mahaba pang paglalakbay.

At kung sakali mang magunaw ang mundo next year at mag-survive ako or mawala na ang internet, hayaan niyo, hangga’t nabubuhay ako, kahit na mag-evolve ako, magpopost pa din akong pang YP at ishashare pa din sa inyo thru post office na nga lang. Nyahahaha!

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Mabuhay ang YP!



Share/Bookmark

4 comments:

Îäñ© said...

Mabuhay ka bro... alak pa... naka 10th year ka na pla ako hindi pa 7yrs plang... he he he - mcgreggor (Ian)

WawaY said...

Nyahahaha!! Bro, Salamat sa Pagpasyal sa Walang Kwenta Kong Blog! Alak Pah Bro!

Unknown said...

mga kasama kong Balakubak. mabuhay kayo. kayo ang nagmulat sa aking mga mata kaya ako laging nagpagiinitan.. nyahahaha.. kaya ayun.. iniwan na ako ng tuloyan.. hehehe.. mabuhay ka bro at sana magkaron tayo ng reunion specially ang balakaubak days natin..
mabuhay!!!!

WawaY said...

Bro Red? Nyahahaha!!! Ayos ah... Intoy Syokoy Ka Na Pala! ;d